News5
banner
news5ph.bsky.social
News5
@news5ph.bsky.social
The Official BlueSky account of News5
📲FB/IG/YT/TikTok: @News5Everywhere
📧: [email protected]
Pinned
Inilalahad ng balita ang istorya ng bayan, at ang aming istorya ay inyo ring istorya.

Dito sa #News5, tungkulin naming ihatid ang balita at impormasyon sa sambayanang Pilipino nang wasto, patas, at tapat.

Para sa may alam at may pakialam.
'PROTESTA!'

Samahan sina Cheryl Cosim, Ces Drilon, Lourd de Veyra, Angela Castro, Nikki de Guzman, at Pauline Verzosa sa special coverage ng News5, One PH, One News, at True FM sa mga kilos-protesta laban sa korupsyon sa Luneta at EDSA ngayong Linggo, September 21, simula 9:30 a.m.
September 20, 2025 at 4:37 PM
TRUMP SAYS ISRAEL AND IRAN AGREE TO A CEASEFIRE

Sinabi ni U.S. Pres. Donald Trump na magkakaroon ng "complete at total" ceasefire sa pagitan sa Israel at Iran. | via Reuters
June 23, 2025 at 10:41 PM
Dumating na ang convoy sakay si dating pangulong Rodrigo Duterte sa detention center ng International Criminal Court #ICC sa Scheveningen sa The Netherlands. #News5 | via Reuters
March 12, 2025 at 6:57 PM
International Criminal Court #ICC Prosecutor Karim Khan sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte: The arrest... is an important moment... It means a lot, I think, to victims. #News5
March 12, 2025 at 6:37 PM
Former president Rodrigo Duterte will face allegations of crimes against humanity for overseeing death squads in his anti-drugs crackdown. He could become the first Asian former head of state to go on trial there. #News5 | via Reuters
news.tv5.com.ph/breaking/rea...
news.tv5.com.ph
March 12, 2025 at 6:25 PM
Nag-aabang ang ilang tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng detention center ng International Criminal Court #ICC sa Scheveningen sa The Netherlands. #News5 | via Reuters
March 12, 2025 at 6:16 PM
Nasa kustodiiya na ng International Criminal Court #ICC si dating pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa international tribunal. #News5 | via Reuters
March 12, 2025 at 5:31 PM
TOUCHDOWN THE HAGUE: The chartered plane carrying Former President Rodrigo Duterte landed on Wednesday at the Rotterdam airport in the Netherlands at 4:58pm Central European Time (11:58pm Wednesday in the Philippines #News5 | via Briane Basa @briane.bsky.social
March 12, 2025 at 5:05 PM
'OK AKO, DO NOT WORRY'

Ibinahagi ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang isang video na kinuhanan bago ang paglapag ng sinasakyan niyang eroplano sa Rotterdam The Hague Airport sa The Netherlands. #News5

🎥: Rody Duterte
March 12, 2025 at 4:33 PM
Nagbigay ng suporta kay dating pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipinong nagtipon sa labas ng detention area ng International Criminal Court #ICC sa The Hague. #News5

📸: Ai Aroma
March 12, 2025 at 4:29 PM
Nagtipon-tipon ang mga Pilipino sa labas ng detention area ng International Criminal Court #ICC sa The Hague, Netherlands, habang inaabangan ang pagdating ni dating pangulong Rodrigo Duterte. #News5

🎥: Ai Aroma
March 12, 2025 at 4:27 PM
Kuha sa pagdating ng eroplanong sakay si dating pangulong Rodrigo Duterte sa Rotterdam The Hague Airport sa The Netherlands bandang 11:55 p.m. (Philippine time) nitong Martes, March 12 #News5 | via Reuters
March 12, 2025 at 4:15 PM
LIVE | Ex-president Rodrigo Duterte arrives in Netherlands #News5 (March 13, 2025) | via Reuters
www.youtube.com/live/HB1ODH-...
March 12, 2025 at 4:14 PM
Naglabas ng pahayag ang International Criminal Court (ICC) Public Affairs Unit para kumpirmahin ang paglalabas ng arrest warrant kay dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng crime against humanity. #News5
March 11, 2025 at 10:36 PM
Nakapagtala ang Bulkang #Kanlaon ng 15 volcanic earthquakes, ayon sa #PHIVOLCS ngayong Miyerkules, March 12.

Nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang bulkan dahil sa aktibidad nito. #News5

📷: PHIVOLCS/X
March 11, 2025 at 10:35 PM
"The government is just doing its job."

Ito ang mensahe ni Pres. Bongbong Marcos sa mga tagasuporta ni Rodrigo Duterte kasunod ng pag-aresto sa dating pangulo. #News5
March 11, 2025 at 5:14 PM
Inilagay ng Philippine National Police #PNP ang regional offices at national support units nito sa buong bansa sa heightened alert status.

Kasunod ito ng posibleng "civil disturbance, rallies, and mass actions" kasunod ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. #News5
March 11, 2025 at 5:13 PM
Former president Rodrigo Duterte is on the way to The Hague, Netherlands after he was arrested on Tuesday on a warrant issued by the International Criminal Court (ICC) in connection to his bloody and brutal drug war. #News5
news.tv5.com.ph
March 11, 2025 at 5:11 PM
'THEY KIDNAPPED PRRD'

Naglabas ng pahayag sina Davao City Mayor Sebastian Duterte at kapatid niyang si Veronica "Kitty" Duterte kasunod ng pag-alis ng eroplanong lulan ang kanilang amang si dating pangulong #RodrigoDuterte patungong The Hague sa The Netherlands. #News5
March 11, 2025 at 5:10 PM
Reposted by News5
#Traslacion2025: The Pahalik has begun tonight at the Quirino Grandstand. This tradition, held ahead of the procession of the Image of Jesus the Nazarene, is drawing devotees of all ages from various locations | #LitratUlat @news5ph.bsky.social
January 6, 2025 at 1:29 PM
Reposted by News5
#HappyNewYear: People in BGC, Taguig City welcome 2025! Leading the countdown are Taguig City Mayor Lani Cayetano and other officials as well as tonight's NYE performers Juan Karlos, Rico Blanco, Sarah Geronimo, HONNE, and ITZY | @news5ph.bsky.social
December 31, 2024 at 4:38 PM
#News5Features | Pinangunahan ng kauna-unahang Olympic double gold medalist ng bansa na si #CarlosYulo ang mga Pilipinong atleta na nag-uwi ng tagumpay para sa bansa ngayong 2024.
#News5 | via @iansuyu pic.twitter.com/SEXsXvYvMY
December 28, 2024 at 1:30 AM
#FrontlineTonight | Hiniling ng direktor na si #PepeDiokno na suportahan ang kanilang Metro Manila Film Festival #MMFF2024 entry na "Isang Himala" matapos mabawasan ang bilang ng sinehan na nagpapalabas nito.
#News5 pic.twitter.com/z39K4aFnvH
December 28, 2024 at 1:30 AM
#FrontlineTonight | Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang pinsan sa Julita, Leyte.
Ang biktima, inasar at hinamon umano ng away ng suspek.
#News5 | via @garrydeleon pic.twitter.com/4TBPcSXucZ
December 28, 2024 at 1:30 AM
#FrontlineTonight | Natagpuan ang mga kalansay ng dalawang tao sa isang masukal na lugar sa Alabel, Sarangani.
Ang isa sa kanila, tatlong buwan na umanong nawawala.
#News5 | via @JCCosico pic.twitter.com/2TBAyBw7np
December 28, 2024 at 1:30 AM