Jade Pascual
banner
hierarch24.bsky.social
Jade Pascual
@hierarch24.bsky.social
0 followers 1 following 24 posts
melancholic, sentimental, plant lover
Posts Media Videos Starter Packs
Napaginipan ko na kasama ko sila George at Wilbert, kumakain daw kami sa labas, at ino-orient nila ako sa lugar na di ko alam saan. Mabait sila sa panaginip 'ko unlike sa real life na mapang-asar :D Ano kaya ibig sabihin ng panaginip ko? Gusto ko ire-cord ito kasi namimiss ko pa din ang Al Khobar e.
Al Khobar, lagi kita naaalala, kahit 7 years na ang nakakalipas, ramdam ko pa din ang init at yakap mo. Salamat dahil nakilala kita, masakit pero nagpapasalamat ako sa Diyos dahil mas lumawak ang pang unawa ko sa buhay ng niloob n'ya na pumunta ako 'jan sa'yo. Sa muli nating pagkikita.
Lord, salamat po, hindi n'yo niloob na mabagsakan ng malaki at mabigat na bato ang tatay ko. Paano na lang kaya kami kung may masama nangyari saan kami Lord kukuha ng pera. Napakabuti mo sa buhay namin.. sana Panginoon matuto kami sumunod at maglingkod sa inyo habang inaalala ang mga pagpapala mo.
sana maalala ko mga magagandang sandali, na napapansin ko ipinapadama nya sa aming mga apo pagmamahal nya noon. naalala ko 'to isda noong tumutulong kami sa lambat, binigay nya sa maliit ko kapatid parang gawing laruan.
nalulungkot ako dahil hindi ko binibisita ang aking lola na nakaratay sa banig dahil matanda na.. na saka ko lang naalala at nalulungkot ako kapag nakabalik na ako ng isla. na kapag nandoon naman ako sa bahay, hindi ko naalala dalawin kasi abala ako sa mga halaman ko, hay buhay..
minsan may mga magagandang bagay na meron tayo kaya lang hindi natin napapansin at pinapasalamatan. dahil abala tayo, may mga kulang na gusto natin punuan at dahil naghahangad tayo ng iba pang mga bagay. na sa sandaling mabago, saka lang natin narerealize ang kahalagahan kapag nawala na sila
hindi ba masaya na ako ngayon malapit ako sa kanila, at least nakakauwi ako every weekends? every Monday morning na umaalis ako sa bahay namin, kahit malungkot ako pabalik ng isla, nagpapasalamat ako dahil alam ko after 5 days of work makakauwi ako sa bahay namin kesa sa abroad 2 years hihintayin ko
minsan chinicheck ko ang mga work abroad websites, nagsesend ng application, nag-aapply-apply.. kaya lang naisip ko paano pag natuloy ako? ok sana, kasi makakasuporta na ako sa parents ko sa pagpapagawa ng bahay namin, kaya lang kaya ko ba mawalay sa kanila?
hindi ko tuloy nasamahan nanay ko sa Kalibo, mabuti nanjan si Carl nasamahan sya. pero sayang ang panahon na habang kasama ko sana family ko, e may moments o memories kami together. namimiss ko na din ang pagpunta namin ng Ibajay every Saturday
minsan narerealize ko, halos lahat ng oras ko at masyado na ako napapagastos sa hobby ko ng paghahalaman, ano kasi gagawin ko may mga maintenance na dapat gawin at ako lang makakagawa. dami ko kasi halaman e. sana matapos ko na lahat para may oras na ako sa ibang bagay.
This is Riyadh when I visited her in June 2019 🥲
dahil sa kabusy-han ko sa paghahalaman, ayern hindi na namimili ng paninda ang magulang ko tuwing Sabado. Paano naman kasi hindi na ako sumasama sa kanila, namimiss ko tuloy ang morning sun ng Ibajay. Kapag sumama naman ako, feeling ko nasayang oras ko kasi mga halaman ko nakatiwangwang.
hindi ko marealize ang kahalagahan ng mga araw na walang pasok, maliban lang kapag lumipas na at napansin ko wala ako masyado nagawang kasiya-siya, lalo na for my family. nagi-guilty din ako kapag di ko kinakausap mga kapatid ko nasa ibang bansa o lugar online #mondayblues
Doon ko lang din na-appreciate na kahit medjo busy, lalo na ang mga teachers na umattend, naglaan ng oras para maipakita ang kanilang pagpapahalaga kay tatay at sa occassion na 'yun. Learning moment din sa akin 'yun, hindi kasi ako sanay dumalo sa mga occassion kasi nahihiya ako makisalamuha.
Mabuti dinala ng tita ko si lola sa event, sumaya si tatay na nandoon nanay n'ya. Masaya naman si tatay, kwento s'ya ng kwento pagkatapos ng event. Ramdam ko din na medjo malungkot s'ya, namemention nya kasi yung dalawa namin kapatid na wala sa occassion, nasa abroad kasi sila.
Salamat sa Diyos, niloob nya na makapagcelebrate ng maganda ang aking tatay sa kanyang ika 60th birthday. Salamat sa mga kapatid ko na may puso na iparanas kay tatay magkaroon ng magandang celebration. Minsan kahit hindi na natin inaakala, may nakalaan ang Diyos para sa atin, sa tamang oras.
Naaalala ko, 1995 yata 'yun, kasama ko nanay ko maglako ng bawang. Tapos pinalaro nya ako sa playground sa Delpan, pinameryenda ng tinapay at vonwelt. 'Di ko makakalimutan, kahit mahirap ang buhay, naalala pa din ni nanay na ako ay bata at gusto maglaro 🥹 Salamat sa Diyos, iningatan n'ya kami noon
Malaking sakripisyo, para kahit papaano e hindi kami maghirap ng husto. Sana dumating ang panahon hindi na kailangan mangibang bansa at mawalay sa mahal sa buhay nang matagal na panahon para lang makapamuhay ng disente. Anyway, salamat sa effort ng kapatid ko at salamat sa opportunity ni God.
Iniisip ko ang bilis ng panahon. 2 weeks na lang, balik ulit kapatid ko sa ibang bansa for work. Then after 2 years saka na lang sya ulit makakapagbakasyon sa amin for 1 month. Kung pwede lang sana dito na lang sya magtrabaho sa Pilipinas, kaya lang maliit lang kasi sweldo dito. 🙁
I missed the dry, earthy, balmy garden park of Dubai and Al Khobar. Those weeds that grows after the summertime.
Mabuti na lang sumama ako last Saturday, October 12, 2024. Kasama kapatid at pamangkin ko. A very pleasant morning, we slowly traversed the road of Ibajay, so green, so lush, the fresh air. My nephew also enjoy the view, nagmana sa akin, bata pa lang mahilig na magroadtrip.
Na-guilty ako, hindi ko kinausap kapatid ko. Gusto lang naman ng nanay, nagkakaisa kaming magkakapatid.. minsan talaga may toyo ako e. Without me realizing, those times maybe critical, my brother needs someone to talk to exhaust his homesickness. I'm sorry brother, I'll be more committed next time.
Nakakamiss sumama kina nanay at tatay mamili ng mga paninda sa Ibajay. Bakit tuwing Sabado kasi busy ako sa pagtatanim ng halaman. Ayan tuloy kapag Monday blues, naalala ko tuloy, nanghihinayang..